Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,574 na bagong kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) infections.
Dahil dito, pumalo na ang nationwide caseload sa 3,909,772 pero ang mga nakarekober naman ay 3,822,888.
Ito na ang ikatlong sunod na araw na mas mababa sa 3,000 ang mga napaulat na kaso ng nakamamatay na virus.
Bumaba rin ang active infections sa 24,502 mula sa dating 25,262.
Ang National Capital Region (NCR) pa rin ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga kaso sa loob ng dalawang linggo na aabot sa 9,133, sinundan ng Calabarzon na may 3,711, Central Luzon mayroong 2,304, Davao region na may 1,278 at Western Visayas na may 1,103.
Samantala, ang death toll naman ay lomobo pa sa 62,382 matapos maitala ang 40 na panibagong namatay.