-- Advertisements --

Naitala ang higit 11-libong Bar takers ang nakatapos sa isinagawang tatlong-araw na eksaminasyon ng 2025 Bar Examinations.

Kung saan, umabot sa 11,425 bar takers ang matagumpay na nakakumpleto mula sa 13,193 na-admit na aplikante ngayong taon.

Ayon sa Korte Suprema, ang bilang na ito ay ang siyang pinakamataas at pinakamalaking bilang ng bar takers turnout sa Philippine Bar History.

Isinagawa ang eksaminasyon sa 14 na local testing centers sa iba’t ibang bahagi ng bansa alinsunod sa layon ng Korte Suprema na ipaabot sa mga rehiyon, gawing digital at inclusive ang Bar exams.

Sineguro rin ng Kataas-taasang Hukuman na pati ang mga indibidwal na may kapansanan ay binigyan ng pantay na pagkilala at access sa pagkuha ng exam.

Kaya’t ibinahagi ni Supreme Court Associate Justice Amy Lazaro-Javier, Chairperson ng 2025 Bar Examinations na naging maayos naman itong naisagawa ngayong taon.

Aniya’y walang naitalang aksidente, karahasan, at pinsala o anumang untoward incidents kasabay ng naganap na tatlong araw na eksaminasyon.