Ipinagmalaki ni dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez na kabilang ang Dr. V. Orestes Romualdez Educational Foundation College of Law sa Top 5 law schools sa buong bansa.
Batay sa datos ng Korte Suprema ang DVREF ay nagtala ng 80.19% passing rate sa 2025 Bar Examinations.
May 85 sa 106 na first-time examinees ang pumasa, dahilan upang pumuwesto ang DVOREF sa ika-4 na puwesto sa mga law school na may higit 100 examinees.
Ito rin ang nag-iisang provincial law school na nakapasok sa national Top 5.
Pinamumunuan ang DVOREF College of Law ni Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez, na nagbigay-diin na bunga ng disiplinadong paghahanda, mahusay na paggabay ng mga guro, at pagpapahalaga sa etika at public service ang tagumpay ng paaralan.
Sinabi ni Romualdez na isang malaking karangalan mapabilang ang Dr. V. Orestes Romualdez Educational Foundation sa Top 5 law schools sa Pilipinas.
“Nagpapasalamat ako sa ating administrative staff, faculty members, mga magulang, at lalo sa ating mga estudyante. Shared victory natin ito,” mensahe ni Romualdez.
Binati rin ni Rep. Romualdez ang mga bagong abogado ng bayan. ” Padayon sa mga abugadong produkto ng DVOREF,” pahayag ni Romualdez.
















