-- Advertisements --

Tiniyak ni dating House Speaker at Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez ang kanyang buong pakikipagtulungan sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) kaugnay ng mga alegasyon sa proseso ng pambansang badyet.

Binigyang-diin ng dating speaker na mananaig ang katotohanan at hindi pulitika, dumalo siya sa pagdinig ng ICI ay para suportahan ang paghahanap nga katotohanan.

Giit ni Romualdez wala siyang itinatago.

Nilinaw niyang bagama’t hindi siya kasali sa bicameral conference committee na nagtapos ng badyet, handa siyang ibahagi ang kanyang kaalaman upang linawin ang mga isyu.

Binigyang-diin ni Romualdez na ang kanyang pagdalo ay bahagi ng kanyang paninindigan sa transparency at accountability, at layunin niyang makatulong sa mabilis at patas na imbestigasyon.

Nagpasalamat rin siya sa ICI sa pagbibigay ng pagkakataong makibahagi sa proseso at tiniyak ang kanyang kahandaang sagutin ang lahat ng tanong upang mapabilis ang imbestigasyon.