-- Advertisements --

ILOILO CITY – Kaagad isinailalim sa swab test ang mga naka-close contact ng halos 20 COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) positive na Chinese national na nagtatrabaho sa Palm Concepcion Power Corporation sa Concepcion, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Concepcion, Iloilo Mayor Dr. Raul Banias, sinabi nito na sa 132 indibidwal, 113 ang negative at 19 ang nagpositibo sa virus.

Ayon kay Banias, nasa tinatawag na surgical lockdown ang nasabing power plant na pinakamalaki sa Iloilo Province.

Ipinag-utos naman ng alkalde ang muling pagsailalim sa swab test ng mga nagnegatibo na indibidwal at nagsagawa na rin ng disinfection sa planta.