MANILA – Umabot na sa 926,052 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng pandemic na coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.
Ngayong 4 PM, Abril 17, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 11,101 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 799 na gumaling at 72 na pumanaw. pic.twitter.com/2t5Ud3skQy
— Department of Health (@DOHgovph) April 17, 2021
Ito ang sinabi ng Department of Health (DOH) matapos pang makapagtala ng 11,101 na mga bagong kaso ng sakit.
“9 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS) on April 16, 2021.”
Batay sa datos ng ahensya, 17.7% ang positivity rate o bilang ng mga nag-positibo mula sa tinatayang 43,574 na nagpa-test sa coronavirus kahapon.
Dahil dito sumampa pa sa 203,710 ang kabuuang bilang ng active cases o mga hindi pa gumagaling sa COVID-19.
Ito na ang pinakamataas na bilang ng active cases sa buong Southeast Asia, kung saan nalampasan ng Pilipinas ang record-high na higit 170,000 active cases ng Indonesia noong Pebrero.
Samantala, nadagdagan naman ng 799 ang numero ng total recoveries na ngayon ay nasa 706,532 na.
Habang 72 ang naitalang bagong namatay para sa 15,810 na total deaths.
“20 duplicates were removed from the total case count. Of these, 8 are recoveries.
Moreover, 16 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”