Pinatuyan muli ng Filipina fashion icon at aktres na si Heart Evangelista ang kanyang status bilang isang fashion muse sa Paris Couture Week.
Sa bawat paglabas kasi nito, nagmistulang obra ang kanyang mga kasuotan na sobrang elegante at modern style.
Sa mga larawan na ibinahagi ng Filipina fashion icon, makikita ang natatanging galing sa pagpili ng mga damit ng aktres mula sa mga sikat na designer tulad nina Patou, Georges Hobeika, Schiaparelli, Tamara Ralph, Ashi Studio, Stéphane Rolland, at Robert Wun.
Mula sa chic blue esemble hangang sa mga dramatic white dress at mga floral na ksauotan, pinagsama niya ang classic at modern style na mga detalye na siyang umani ng papuri sa world fashion media.
Nagningning din ang kanyang mga accessories tulad ng oversized gold earrings, sleek handbags, at eleganteng sapatos, muli niyang pinatunayan na siya ay isa sa mga pinaka-maimpluwensyang personalidad sa mundo pagdating sa fashion.