-- Advertisements --

Itinalaga ng hari ng Malaysia si Malay nationalist leader Muhyiddin Yassin bilang bagong prime minister ng bansa matapos magbitiw sa pwesto si Mahathir Mohamad.

Sa inilabas na pahayag ng palasyo, sinabi ni Sultan Abdullah Sultan Ahmad Shah na nagsagawa ito ng interview kasama ang Members of the Parliament noong nakaraang linggo. Dito ay nalaman niyang karamihan sa MPs ay ninanais na ang 72-anyos na si Muhyiddin ang maging bagong prime minister ng kanilang bansa.

Nakatakdang manumpa si Muhyiddin sa kaniyang tungkuli bukas.

Ginawa ang desisyong ito ilang oras lamang matapos lumitaw ang mga impormasyon na muling ibabalik si Mahathir bilang prime minister ng Malaysia dahil sa ipinakitang suporta rito ng ilang partido.

Sa ilalim ng Malaysian law, kinakailangang magtalaga ang hari ng bagong prime minister na pinaniniwalaan nitong kayang atasan ang nasa 222 mambabatas ng bansa.

Marami naman ang nagulat sa pagkakapili kay Muhyiddin dahil sa paniniwala ng mga ito na malaki ang impluwensya ni Mahathir parlyamento.