-- Advertisements --

Balik na sa paglalaro si James Harden makalipas din ang isang buwan na pagpapagaling sa injury upang pangunahan ang Brooklyn Nets sa panalo laban sa San Antonio Spurs, 128-116.

Buwena manong nagtala si Harden ng 18 points, 11 rebounds, at seven assists para sa kanilang ikatlong sunod na panalo.

Sa ngayon nasa 1 1/2 game ang kalamangan sa kanila ng Philadelphia para top spot sa Eastern Conference.

Kung sinuwerte si Harden, minalas naman si Kyrie Irving dahil hindi nakalaro dala ng facial contusions.

Ang isa pa sa big three na si Kevin Durant ay nag-ambag naman sa 14 points.

Sa ngayon kampante na ang Nets at pasok na sa playoffs.

Sa kampo ng Spurs si DeMar DeRozan ay nagposte ng 21 points.