-- Advertisements --

Agad na pumayag ang Hamas militant group sa Gaza peace plan ni US President Donald Trump.

Ang nasabing hakbang ay kasunod ng pagbibigay ng ultimatum ni Trump ng hanggang araw ng Linggo lamang sila na magdesisyon para tumugong sa 20-peace plan para magkaroong kapayapaan ang Gaza.

Ayon sa Hamas na pumayag sila na makipagnegosasyon para sa pagpapalayag ng mga bihag.

Dagdag pa nila na makikipag-ugnayan sila sa mga mediators para talakayin ang palitan ng bihag.

Magugunitang binantaan ni Trump ang Hamas na kapag hindi sila tumugon sa ibinigay nitong ultimatum ay makakaranas ng hindi maganda ang mga ito.

Magugunitang pumayag si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa 20-point plan ni Trump para magkaroon ng kapayapaan sa Gaza.