-- Advertisements --

Nagbabala ang al Qassam Brigades, ang armed wings ng Hamas na kanilang papatayin ang lahat ng mga hostages na kanilang hawak kapag patuloy ang pag-atake ng mga Israels sa mga tao ng Gaza.

Ayon sa kay Abu Obaida ang tagapagsalita ng grupo na hindi sila magdadalawang isip na gumanti kapag hindi tumigil ang mga Israel na umatake sa Gaza.

Kanilang ipapalabas sa online ang gagawin pagpatay sa mga hawak nilang hostages.

Sinasabing mayroong mahigit 100 hostages na hawak ang mga Hamas kung saan patuloy ang ginagawang pakikipag-usap ng Qatar sa mga militant groups.