-- Advertisements --

Handang tumugon ang Hamas sa panawagan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa Red Cross na papasukin ang mga gamot at pagkain sa mga bihag sa Gaza.

Ayon sa Hamas opisyla maisasakatuparan lamang ito kapag tuluyan ng mabuksan ang Gaza strip at tuluyang umalis ang mga puwersa ng Israel.

Una ng tinawagan ni Israeli President Isaac Herzog si International Committee of the Red Cross President Mirjana Spoljaric kung saan binigyang halaga nito na dapat gumalaw na sila para sa mga bihag.

Tinatayang nasa 49 na bihag pa rin ang hawak ng mga Hamas.

Tiniyak naman ng Hamas na makikipagtulungan sila sa Red Cross na magdala ng mga pagkain at gamot para bihag basta sa kondisyon na mabuksan ang humanitarian corridors.