-- Advertisements --

DAVAO CITY – Ikinatuwa ng isang negosyante matapos na maibalik sa kanya ang kalahating milyong pisong pera sa kabila ng nangyaring sunog sa kanyang bodega kahapon.

Napag-alaman na aabot sa P9.6 milyon ang halaga ng danyos sa insidente na nangyari sa Soliman Block 1, F. Bangoy St. Agdao nitong lungsod.

Mismong ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang nag-abot ng pera sa may-ari matapos na hindi ito kabilang sa mga nasunog.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo kay SFO4 Ramil Gillado, BFP chief investigator ng, electrical ignition ang dahilan ng sunog na umabot pa sa second alarm.

Ayon kay Gillado, tatlong oras bago naapula ang apoy dahil sa mga tinitindang produkto gaya ng pylox paint, gulong at marami pa.

Hindi naman nadamay ang katabing establisyemento dahil sa fire wall pati na ang residential areas na nasa likod lamang ng bodega.