Nasa 40 na mga opisyal at empleyado ng isang regional office ng Philhealth ang nakatakdang sampahan na ng kaso ng Presidential Anti Corruption Commission (PACC) dahil pa rin sa katiwalian sa loob ng ahensiya.
Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay PACC Commissioner Greco Belgica, sinabi nitong 36 ang kanilang isusumiteng pangalan sa Taks Force Philhealht para sampahan ng kaso.
Ang naturang mga opisyal ay empleyado ng Philhealth ay galing daw sa isang rehiyon lamang sa bansa.
Sinabi ni Belgica na talamak din ang katiwalian sa mga regional offices ng Philhealth hindi lamang sa national office at nakikipagsabwatan ang mga ito sa mga doktor, ospital at bangko para makakulimbat ng pera.
Tutok ngayon ang imbestigasyon ng PACC sa Legal Department and Information Technology office ng Philhealth na sinasabing ginawa talaga para mapadali ang pagmanipula ng mga naturang scheme.
Tiwala naman itong matatapos nila ang kanilang imbestigasyon sa lahat ng regional offices ng Philhealth at kung susundin ang kanilang rekomendasyon ay malilinis ang ahensiya sa katiwalian sa loob lamang ng anim na buwan.