-- Advertisements --

Welcome sa malakanyang ang presensiya sa senado ng mga lehitimong oppositionis pero handang labanan ang mga obstructionist.

Pahayag ito ni palace press officer Usec claire castro sa gitna ng mga napasok na nangungunang senatorial candidates sa magic 12 na kabilang sa oposisyon.

Sinabi ni Castro madali lamang naman aniyang makita ang diprensiya ng opositionist at obstructionist.

Giit ni Castro maituturing aniyang lehitimong opossitionist ang mga indibidwal na ang ipinaglalaban ay interes ng taongbayan at ng bayan at hindi ang sarili o personal lamang nilang agenda.

maituturing naman aniya itong obstructionist kung ang gagawin lamang ay manira at walang makikitang magandang ginagawa ang gobyerno at sarili lamang ang ipinaglalaban.

Sinabi ni castro na kanilang lalabanan ang mga obstructionist kung makikitang gagawa lamang ang mga ito ng fake news o magpakalat ng mga maling balita, gagawa ng pahayag na laban sa gobyerno subalit wala namang ebidensiya.