-- Advertisements --
convalescent

Dahil na rin sa sobrang dami ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients sa Philippine General Hospital (PGH) na kinabibilangan ng 40 na nasa kritikal na kondisyon, muling hinimok ng pamunuan ng naturang ospital na covid survivors na mag-donate ng kanilang dugo.

Ayon kay Jonas del Rosario, tagapagsalita ng PGH, bagamat tuloy-tuloy pa rin ang pag-aaral sa convalescent plasma therapy gamit ang plasma ng mga survivors ay napansin nilang nasa 50 percent ng mga pasyenteng nasalinan ng plasma sa naturang pagamutan ay gumaling na.

Aniya, ang mga pasyenteng sumailalim sa naturang proseso ay bumuti na ang lagay kaya naman naniniwala silang mabisa ito.

Sa ngayon umabot na raw sa 19 ang donors ng plasma at ibinigay din ito sa ibang ospital para gamitin sa mga covid patients na nasa kritikal nang kondisyon.

Ang plasma ay libreng ibibigay sa mga covid patients.

Una rito, nag-donate na rin ng kanyang plasma si Sen. Juan Miguel Zubiri na survivor ng COVID-19.