-- Advertisements --

ILOILO CITY – Tuluyang sinibak sa puwesto ang 28 personnel ng Bureau of Fire Protection (BFP) Region 6 matapos nag-party sa Antique at Boracay kasama ang firewoman na nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Fire Senior Inspector Stephen Jardeleza, tagapagsalita ng BFP-Region 6, sinabi nito na hindi pa niya natanggap ang kopya ng utos ni Department of the Interior and Local Government Sec. Eduardo Año.

Sa ngayon, nasa floating status ang 28 tauhan habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Inaasahan naman na pupunta sa Iloilo si Fire Chief Supt. Roel Jeremy Diaz na mangunguna sa imbestigasyon na kinasasangkutan ng ahensya.

Umaabot naman sa 197 ka tao ang subject for contact tracing at isinailalim na sa quarantin.

Kasama na rito ang 24 staff ng hotel sa Boracay at mga crew ng sakayang pandagat.