-- Advertisements --

Nakapagtala ng Department of Health (DoH) ng karagdagang 1,974 na kaso ng COVID-19.

Samantala mayroon namang naitalang 2,388 na gumaling at 142 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.0% (28,660) ang aktibong kaso, 97.4% (2,737,722) na ang gumaling, at 1.60% (44,866) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 9, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.4% sa lahat ng samples na naitest at 0.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Samantala, may 37 duplicates naman ang inalis sa total case count.

Sa nasabing bilang kasi ay may 33 recovered patients at isa naman ang pumanaw na.

Gayunman, 104 cases na dating naka-tag bilang recoveries ay na-reclassify bilang binawian ng buhay batay sa final validation.