-- Advertisements --

Mahigit 1.7 milyon katao ang naapektuhan sa malawakang pagbaha sa Shanxi province ng China.

Nagbunsod din sa pagkawasak ng ilang kabahayan ang walang humpay na pag-ulan mula pa noong nakaraang linggo.

Ang nasabing pagbaha ay mahigit tatlong buwan ng magkaroon ng malaking pagbaha sa Henan province na ikinasawi ng mahigit 300 katao.

Nahulog naman ang isang bus sa umapaw na ilog sa Hebei province na ikinasawi ng tatlong katao.

Nagbabala ang Meteorological Administration ng China na magpapatuloy na malalakas na pag-ulan.

Umabot na kasi sa 120,000 katao ang agad na inilipat at 17,000 kabahayan ang nasira.