-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Kabuuang 126 na residente o katumbas ng 35 kabahayan angnagpalipas ng gabi sa evacuation center matapos ang walang tigil na pagbuhos ng ulan sa Balete, Aklan.
Ayon kay Balete Vice Mayor Patrick Lachica, tumagal hanggang alas-10:00 ng gabi ang pagdatingan ng mga residente sa evacuation center na naapektuhan ng low pressure area (LPA).
Wala naman aniyang nailatang namatay o nasaktan dulot ng pagbaha at landslide, maliban sa nasabing bayan na isa sa lubos na napuruhan
Maliban sa Balete, binaha rin ang ilang bayan sa Aklan partikular ang Banga, Malinao, Ibajay at Batan.
















