-- Advertisements --

Nasa 99 na indibidwal na raw ang nailigtas ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos magkasunog ang isang passenger vessel na MBCA Mama Mary Chloe nitong linggo ng hapon.

Dinala na raw ang mga ito sa Hilongos, Leyte matapos ma-rescue ng passenger motor banca at isa pang mas maliit na vessel.

Ang naturang passenger vessel ay mula sa Ubay, Bohol patungong Bato, Leyte.

Sinabi ni PCG Spokesperson Commodore Armando Balilo na nasa 165 ang karga ng naturang vessel.

Kabilang na rito ang 142 adults at 15 na mga bata at mga crew members.

-- Advertisement --

Ang naturang vessel ay puwde raw magkarga nang hanggang 236 passengers.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa posibleng sanhi ng pagkasunog ng vessel.