-- Advertisements --

vera cruz

Nasa 9,900 Sputnik V Covid-19 vaccines ang natanggap ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes, July 12,2021 mula sa gobyerno.

Dahilan para i-resume muli ng PNP ang kanilang pagbabakuna sa kanilang mga tauhan. Magugunita na itinigil ng PNP ang pagbabakuna sa kanilang mga personnel dahil naubusan sila ng supply.

Sa pakikipag ugnayan ng Bombo Radyo kay PNP ASCOTF at Deputy Chief for Administration Lt. Gen Joselito Vera Cruz, sinabi nito na simula nuong Lunes July 12 hanggang July 16 ia- administer ang ibinigay na vaccine allocation sa kanila.

Sinabi ni Vera Cruz, nasa 1,500 police personnel bawat araw ang i-accomodate ng PNP Health Service para mabakunahan.

Habang ang excess sa 9,900 na vaccine na nasa 2,400 ay ipamamahagi sa NCRPO, AVSEG at SAF.

ascotf5

” Yes Anne, ongoing ang 1st dose vaccination namin.We have received yesterday ang vaccine allocation of 9,900 Sputnik vaccines to be administered till Friday,” mensahe na ipinadala ni Lt. Gen. Vera Cruz sa Bombo Radyo.

Nilinaw naman ni Vera Cruz na ang dumating na Sputnik V vaccine ay bukod pa sa 28,000 vaccine na inilaan ng DOH para sa mga pulis sa National Capital Region (NCR).

” Iba pa Anne, for PNP lang ito,” dagdag pa ni Vera Cruz.

Sa datos na inilabas ng PNP ASCOTF nasa 55,203 na mga kapulisan na sa buong bansa ang nabakunahan ng Covid-19 vaccine habang nasa 16, 499 naman ang nakakumpleto ng kanilang pangalawang dose.

Ayon kay Vera Cruz, sa bilang ng mga pulis na nabakunahan 41,002 ang naturukan ng Sinovac vaccine; 4,911 AstraZeneca; 3,812 Sputnik – V; 5,052 PFizer; 396 Moderna; 26 Sinopharm; 0 sa Janseen.

Samantala, inihayag ni DILG Sec Eduardo Año na target ng pamahalaan na lahat ng PNP, AFP, BFP personnel ay mabakunahan o maging fully vaccinated sa buwan ng Agosto.