Ikinatuwa ngayon ng Commission on Elections (Comelec) ang matagumpay na halaln noong Lunes dahil walang naitalang failure of elections sa buong bansa.
Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na mas maayos daw at mas mapayapa ang halalan ngayong taon kumpara noong mga nakaraang halalan.
Sa kabila ito ng umano’y usual na aberya na nangyayari sa mga vote counting machines (VCM) at ang ilang report ng karahasan.
Sinabi rin ni Garcia na wala raw silang nababalitaang kahit ano mang epekto ng mga aberya sa pangkalahatang resulta ng haalan.
Kabilang sa mga napaulat na isyu ang vote-buying at ang karahasan na isinagawa ng ilang private armed groups ng mga local candidates.
Sa ngayon, hinihintay pa ng Comelec na ang mga petisyon kung idedeklara ang failure of election sa Lanao del Sur, Basilan, Abra at Nueva Ecija.