BUTUAN CITY – Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng pulisya sa bayan ng Carmen, Agusan Del Norte kaugnay sa shooting incident na naganap kaninang alas 10:00 ng umaga sa may District Dagohoy, Barangay Poblacion na kumitil sa buhay ng biktimang habal-habal driver.

Sa panayam ng Bombo Radyo Butuan kay Police Captain Jennefer Omiter, Hepe ng Carmen Municipal Police Station, kinilala nito ang biktima na si John Rey Rabadan, 25-anyos, binata na taga Kabayawa, Poblacion sakop sa nasabing bayan.

Ayon pa sa hepe, galing namili ang biktima ng basic commidities gaya ng bigas kasama ang 3-anyos na pamangkin ng pinara ng mga suspek.

Ibinaba umano ang bata at iniwan sa kalapit na bahay bago pinagbabaril ang biktima sa tatlong beses gamit ang kalibre 45na pistola.

Nakapanayam naman ng pulisya ang babae na siyang tumanggap ng bata at inihayag nitong hindi niya nakilala ang mga suspek.

-- Advertisement --

Patuloy ngayon ang kanilang manhunt operation laban sa hindi pa makilalang mga responsable habang maraming ang-gulo naman ang kanilang kinokonsidera kaugnay sa nasabing pamamaril.