-- Advertisements --
Nagsimula nang lumakas ang hanging habagat na nakakaapekto sa ating bansa, ito ay ilang araw pa lang matapos ideklara ang rainy season.
Ayon sa Pagasa, kabilang sa apektado nito ang Northern Luzon.
Sa mga susunod na araw, mas malalakas na ulan pa umano ang aasahan, kahit walang umiiral na bagyo o low pressure area (LPA).
Kahit kasi wala pang tropical cyclone, may mga localized thunderstorm naman na mararanasan sa ilang parte ng ating bansa, lalo na sa dakong hapon at gabi.
Ngayong araw, asahan ang makulimlim na panahon sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Batanes, Cagayan, Zambales at Bataan.