-- Advertisements --

Nagdulot ng gutter-deep na pagbaha sa lungsod ng Maynila ang biglaang buhos ng ulan na nagtagal ng 30 minuto nitong hapon ng Sabado, Hulyo 4.

Bunsod nito, napilitan ang mga motorista, siklista at pedestrians na lumusong sa tubig-baha sa ilang parte ng kalsada.

Naitala ang mga pagbaha sa kabisera partikular na sa may porsyon ng Taft Avenue, UN Avenue at T.M Kalaw.

Nakaapekto sa ilang lugar sa lungsod ang intermittent rains kung saan nagdadala naman ang hanging habagat ng pabago-bagong lagay ng panahon sa iba pang parte ng Luzon.

Ayon sa state weather bureau ang super typhoon Bavi na kasalukuyang nasa labas ng bansa ay inaasahang magpapaigting sa habagat sa mga susunod na araw.

Kaugnay nito, inaabisuhan ang publiko na mag-ingat lalo na sa mga nasa bahaing lugar at i-monitor ang opisyal na updates sa ulat ng panahon sa gitna ng posibleng pagpapatuloy ng mga pag-ulan.