-- Advertisements --
Tacurong City
Tacurong City

CENTRAL MINDANAO- Hawak na ng mga otoridad ang gunman sa pamamaril patay sa isang mamamahayag sa Tacurong City.

Ito mismo ang kinomperma ng pamilya ni Benjie Caballero ang Station Manager ng Radyo ni Juan sa Tacurong City.

Matatandaan na binaril at napatay ang biktima ng riding in tandem suspects gamit ang kalibre.45 na pistola habang itoy naghihintay ng tricycle sa harap ng kanyang bahay sa Sampaguita Street Tacurong City noong Oktubre 30.

Isang buwang nakaratay sa Intensive Care Unit (ICU) ng Saint Louis Hospital sa Tacurong City si Caballero.

Inilipat ang Mamamahayag sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao City at doon na ito binawian ng buhay.

Hindi na kinaya ni Benjie ang matinding sugat nito sa dibdib at kanyang baga.

Agad namang inilibing ang bangkay ng mamamahayag sa Brgy Inas sa bayan ng M’lang Cotabato alinsunod sa paniniwalang Islam.

Hustisya naman ang sigaw ng pamilya at mga kawani ng Media sa Central Mindanao sa pinatay na Mamamahayag.

Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng Presidential Task Force on Media and Security sa pangunguna ni Undersecretary Joel Egco katuwang ang pulisya sa gunman na nahuli at anumang oras ay matutumbok na nila ang utak sa pagpaslang kay Caballero.