-- Advertisements --

KALIBO, Aklan–Dismaydo ang grupong Anakbayan sa naging akto ni Vice President Sara Duterte matapos na hindi sumipot sa plenary deliberations para sa panukalang ₱902.8-milyong budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2026.

Ayon kay Anakbayan chairperson Mhing Archie Gomez, namimihasa na ang bise presidente dahil sa kawalang pananagutan sa winaldas nitong pondo mual sa kaban ng bayan.

Naniniwala ang mga ito na kung hindi maipaliwanag ni VP Sara kungg saan napunta ang naunang pondo ng kaniyang tanggapan hay nagakadapat lamang na hindi pagbigyan ang hinihingi nitong pondo dahil sa wala siyang karapatan na humawak sa pinaghirapang pera ng manggagawa at maralitang mga taxpayers.

Dagdag pa ni Gomez, nakaka-insulto aniya sa institusyon ang kondisyon na ipinataw ni Duterte bago ito dumalo sa pagdinig.

Nabatid na target ng Kamara na maaprubahan sa ikalawang pagbasa ang pambansang budget ngayong linggo at sa ikatlo at huling pagbasa bago matapos ang sesyon sa Oktubre 13.//