Itutuloy pa rin hanggang ngayon ng grupo ng mga nurses ang pagsasagawa ng kilos protesta sa labasa ng Philippine General Hospitals (PGH).
Nagsimula ang kanilang kilos protesta nitong Miyerkules at magtatapos hanggang ngayong araw para ipanawagan ang dagdag suweldo ng mga nurses sa bansa.
Ayon sa Filipino Nurses United (FNU) na ang pagtaas ng suweldo ng mga nurses ay siyang nakikita nilang solusyon para sa kakulangan ng nurses sa bansa.
Marami kasi sa mga nurse sa bansa ang nangingibang bansa dahil sa mababa ang pasahod na kanilang natatanggap.
Hinihiling nila sa gobyerno na dapat ay magkaroon ng hanggang P50,000 na pasahod ang mga nurses sa bansa para hindi na mangibang bansa ang mga ito.
Sa kasalukuyan ay nasa P35,000 ang sahod ng mga nurses na nasa pampublikong pagamutan habang ang mga nasa pribadong hospital ay mas mababa pa sa minimum na sinasahod.
















