-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Ilang grupo ng mga mamahayag sa lungsod ng Tacuronga ang nagsagawa ng candle lighting sa pagunita sa ika 11 taon kahapon sa nangyaring kadumal dumal na Maguindanao Massacre noong November 23 2009.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Bombo correspondent Larry Geronio nagsagawa ang mga Media Practioners ng Candle lighting sa nasabing lungsod kong saan gusto ng grupo na ipahiwatig ang mga hinaing at mabigyan ng agarang hustisya ang mga mamamahayag na namatay sa insidente.

Ayon sa kanya, kahit 11 taon na ang nakalipas ay hindi parin mawawala ang pangamba ng mga pamilya ng biktima para sa kanilang seguridad.

Makikita at mararamdaman parin umano ang poot at paghihinagpis sa mga mukha ng pamilya ng mga biktima ng Maguindanao Massacre habang inaalala ang kalunos lunos na ginawa sa kanilang ka-pamilya.

Nagpapasalamat man ito sa mga kapulisan at sa lokal na gobyerno ng lungsod ng Tacurong dahil binigyan ng pansin ang nasabing Programa.