-- Advertisements --

Hinikayat ng grupo ng mga magsasaka ang gobyerno na tanggalin na ang taripa ng mga bigas.

Ayon kay Raul Montemayor, national manager of the Federation of Free Farmers (FFF), na dapat ipatupad ang rice import tariff agad at hindi na hintayin pa ang pagtatapos ng rice import ban.

Dagdag pa nito na bumaba ang presyo ng lokal na bigas dahil sa inaasahan ng mga negosyante ang mas murang bigas kapag natapos na ang import ban.

Giit na dapat gumalaw na ang gobyerno habang kasalukuyan pa ng nag-aani ang mga magsasaka para magkaroon ng stabilize ang merkado at maiwasan ang pagkalugi.

Dahil dito ay plano ng nasabing grupo na magsagawa ng kilos protesta para marinig ng gobyerno ang kanilang hinaing.