-- Advertisements --
Nagsagawa ng pulong ang Council of Arab States para kondinahin ang ginawang pag-atake ng Israel sa Qatar.
Sa isinagawang summit ay kanilang kinondina na ang pag-atake ng Israel sa Qatar ay sumisira sa kapayapaan sa rehiyon.
Nagpahayag ang grupo ng suporta sa Qatar sa anumang hakbang na balak nitong gawin sa ginawa ng Israel.
Suportado rin ng grupo ang ginagawang hakbang ng Qatar, Egypt at US na pigilan ang pagiging agresibo ng Israel sa Gaza.
Magugunitang una ng sinabi ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na ang ginawa nitong pag-atake ay ipinaalam muna kay US President Donald Trump.