BusBee
BusBee

Pumanaw na ang Grammy-nominated US songwriter at producer na si Michael James Ryan sa edad 43.

Hindi naman binanggit ang sanhi ng kamatayan ng Ryan o kilala sa tawag na “Busbee”.

Ang Californian songwriter and producer ay nakatrabaho na ng ilang sikat na singers gaya nina Shakira, Pink at Keith Urban.

Isa siya sa nominees sa Country Music Association noong 53rd Annual CMA Awards sa pagiging producer ng “Girl” ni Maren Morris bilang Album of the Year.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang ilang mga sikat na singer at artista matapos na malaman ang pagpanaw ni Busbee.