TACLOBAN CITY – Wala ng buhay nang madatnan ang isang Grade 12 student na lesbian matapos itong magpakamatay sa bahagi ng Brgy. East Visoria, bayan ng Carigara, Leyte.

Kinilala ang biktima na si Alyssa Marie Basilan, 20, estudyante ng Carigara National highschool at nakatira sa naturang lugar.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Carigara Police, bandang alas-6:00 nitong gabi nang makita umano ang biktima ng nakababatang kapatid nito na nakalambitin sa loob ng kaniyang kwarto gamit ang isang lubid.

Isinugod pa ito sa Carigara Dist. Hospital pero dineklara itong dead-on-arrival.

Isa sa tinitingnang anggulo ngayon ng mga kapulisan ang problema sa pamilya.

Wala namang nakikitang foul play ang kapulisan mula sa naturang insidente