Kinumpirma ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III na nakalikom na ng sapat na pondo ang gobyerno para makabili ng COVID-19 vaccine.
Gagamitin aniya ang pondong ito para siguruhin na magiging sapat ang doses ng bakuna na ipapamahagi sa populasyon ng Pilipinas.
Una nang umutang ang administrasyong Duterte ng $326 million sa Asian Development Bank (ADB) upang suportahan ang vaccination program sa bansa.
Ayon kay ADB country director for the Philippines Kelly Bird, kasalukuyan silang nakikipag-ugnayan sa gobyerno ng Pilipinas upang ilatagh ang technical background work ng programa.
Saad pa ni Dominguez na layunin ng pamahalaan na mabakunahan ang halos 60 milyong Pilipino sa oras na maging available na sa merkado ang bakuna.
Samantala, umaasa naman ito na mas magiging maganda ang 2021 para sa lahat dahil na rin sa nalalapit na pagkakaroon ng bakuna kontra COVID-19 at pagpasa sa mga kinakailangang economic bills.