-- Advertisements --

Muling nagtala ng minor phreatomagmatic eruption ang Taal Volcano noong Linggo ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ayon sa PHIVOLCS, nagsimula ang pag-aalboroto ng bulkan bandang alas-8:27 ng gabi nitong Hulyo 12, at tumagal nang humigit-kumulang tatlong minuto.

Nagdulot ang pagsabog ng abo at singaw na may taas na umabot sa 1,200 metro mula sa main crater bago dalhin ng hangin patungong hilagang-silangan.

Sa kabila ng insidente, nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal, na nangangahulugang mababa pa rin ang antas ng pagkilos ng bulkan.

Paalala ng PHIVOLCS, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa Permanent Danger Zone dahil nananatili itong mapanganib.