-- Advertisements --

Maraming trabaho si Pang. Ferdinand Marcos Jr. kaya hindi nito magagawang umupo lang para manood ng impeachment trial.

Ito ang tugon ng Palasyo sa tanong kung magmo-monitor ba ang Pangulo sa impeachment trial ng dating running mate na si Vice President Sara Duterte na magsisimula ngayong araw sa Senado.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi naman kailangang subaybayan ni Pang. Marcos ang impeachment dahil malalaman nya rin ang sa balita ang mga mangyayari.

Nanindigan rin ang Malakanyang sa paniniwalang kung may kailangang sagutin ay dapat lamang sagutin.

Katwiran ni Castro, ito rin kasi ang paraan para malinis ang pangalan kung walang kasalanan.

Iginiit rin nito na mas maganda humarap sa impeachment trial ang bise presidente para siya na mismo ang sumagot ng mga akusasyon laban sa kanya.