VAX2
-- Advertisements --

Maglalaan ang gobyerno ng 7 milyon doses para sa third at booster shots sa ilang priority groups.

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr, na mayroong 2 milyon doses ng COVID-19 vaccines sa mga health workers at 5 milyon doses naman para sa mga immunocompromised individuals at senior citizens.

Dagdag pa nito na mayroon ng nakatabi na doses para sa mga healthworkers kahit na anumang brand.

Ang nasabing hakbang ay kasunod ng pag-apruba ng Department of Health na ituloy na ang booster at karagdagang shots ng COVID-19 vaccines para sa mga healthcare workers at mga may edad na.