Tniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipupursige ng kaniyang administrasyon para mapalakas pa ang turismo sa bansa.
Inihayag ng Pangulo na nagtutulungan ang pamahalaan at ang private sector para sa repormang isinasagawa sa kasalukuyan upang mapalakas pa ang Turismo sa Bansa.
Sa 36th Joint meeting of the UN Tourism Commission for East Asia and the Pacific and UN Commission for South Asia, inihayag ng Pangulo na ilan sa mga repormang nais ipatupad ay pagbibigay ng kaluwagan sa visa, pagbutihin pa ang water sanitation gayundin ang pagtatayo ng kailangang health care facilities sa mga tourist destinations.
Sinabi ng Pangulo na kailangan na palawakin ang connectivity hubs sa ibat- ibang Paliparan sa bansa.
Naniniwala kasi ang Presidente na sa ganitong paraan ay makakahikayat pang Lalo ang bansa ng mas maraming turista na gugugol ng kanilang spending at sa huliy muling bumalik ng Pilipinas.
Tagos aniya ang magandang epekto ng may malakas na Turismo sa bawat indibidwal na bahagi ng tourism industry.