-- Advertisements --

Joey Salceda
Rep. Joey Salceda

Marami pang mga opsyon umano ang gobyerno para mapondohan ang big-ticket railway projects.

Ito’y matapos umatras ang China na pondohan ang nasabing mga proyekto.

Ayon kay House Ways and Means chair at Albay 2nd District Representative Joey Salceda na hindi na kailangan pa na i-persuade ang China para tulungan tayo uli bagkus maghahanap na lamang ng ibang “funders” na popondo sa proyekto.

Sinabi ni Salceda ang bansang Japan ang nagbigay ng mga tren para sa bagong North-South Commuter Railway Project kaya naniniwala ito na ang Japan ang magti-take over sa pagpopondo sa proyekto na inatrasan ng China.

Binigyang-diin ng mambabatas na ang pag-unlad ng ating bansa ay hindi dapat gamitin bilang diplomatic leverage sa mga inaakalang magkakaibigan.

Ayon kay Salceda, susubukan niya ang kaniyang makakaya kasama si Secretary Jaime Bautista at ang kaniyang network bilang dating tagapangulo ng Green Climate Fund at kasalukuyang adviser sa Incheon Metropolitan City sa Korea kung aling mga bansa ang willing na pumalit sa China.

Aniya, hindi lang China ang nagsusulong ng pagpopondo sa mga proyekto ng tren sa bansa gaya na lamang ng bansang Singapore na namumuhunan nang malaki sa pribadong sektor sa Pilipinas.

Inihayag ni Salceda na ang South Korea ay nagbigay din ng mas maraming tulong at foreign grants sa bansa.