jawo jaworski

Nahigitan na ni Barangay Ginebra head coach Tim Cone ang franchise record na hawak ni dating coach Sonny Jaworski.

Mayroon na kasing limang kampeonato si Cone na mas higit pa kay Jaworski na mayroong apat lamang bilang coach.

Bilang Ginebra coach, mayroon ng tatlong Governors’ Cup title si Cone noong 2016, 2017 at 2019, isang Commissioner’s Cup title noong 2018 at Philippine Cup Title ngayong 2020.

Sa kabuuan ay mayroong 23 PBA titles si Cone mula sa iba’t ibang koponan kaya siya ngayon ang tinaguriang winningest coach ng PBA.

tim cone
Coach Tim Cone

Sinabi nito na hindi niya akalain na malalampasan ang record ng beteranong coach at dating Sen. Jaworski.