CAUAYAN CITY- Sasampahan ng kasong Reckless Imprudence resulting in physical injury ang isang binata matapos mabangga ng minamanehong motorsiklo ang papatawid na Ginang sa Solano, Nueva Vizcaya.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Solano Police Station, ang suspect ay si Richard Asimao, 21 anyos, binata, helper at residente ng Paracelis, Mt. Province habang ang biktima ay si Nelia Naruso, nasa tamang edad at tubong Ilocos Region.
Batay sa isinagawang pagsisiyasat ng Solano Police Station, binabaybay ng suspect lulan ng kanyang motorsiklo ang Pambansang Lansangan patungong Bayan ng Bayombong nang tumawid sa pedestrian lane ang biktima patungo sa isang Convenient Store nang mabangga ng motorsiklo ng suspect.
Nagtamo ng malalang bali sa kaliwang binti ang biktima na agad dinala sa Region 2 Trauma and Medical Center ng mga tumugong Rescue Team.
Nanatili pa rin sa ospital ang biktima habang dinala sa Solano Police Station ang suspect.