Magsisimula sa Oktubre 27 ang ensayo ng Gilas Pilipinas na sasabak para sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Thailand mula Disyembre 9 hanggang 20.
Sinabi ni Gilas coach Norman Black, na hinihintay pa lamang nila ang desisyon ng Organizing Committee sa eligibility policy ng ilang manlalaro nito.
Ilan sa mga nakabinbin listahan dahil sa “passport only” policy ng Organizing Committee ng SEA Games ay sina Ange Kouame, Remy Martin, Michael Philips at Kymani Ladi.
Gagawin ngayong Lunes ang pulong ng mga Organizing Committee para maaprubahan ang ilang manlalaro ng Gilas na sasabak sa laro.
Kabilang sa mga nakalista para sa SEA Games ay sina Ray Parks, Thirdy Ravena, Matthrew Wright, Greg Slaughter, Veejay Pre at may dalawang iba pa.
Ilan sa mga naka-standby na manlalaro ay sina Dave Ildefonso at Jason Brickman na kasalukuyang naglalaro pa sa ibang mga liga.
Umaasa si Black na payagan ng organizing commitee ang ilang mga pangalan para maging malakas ang kanilang lineups.