-- Advertisements --
Nagbuhos si Giannis Antetokounmpo ng season-high na 50 points at kumuha ng 14 rebounds upang pangunahan ang Milwaukee Bucks sa panalo laban sa Indiana Pacers, 128-119.
Sa ngayon hawak na ng Bucks ang 36-23 record kasabay nang pag-sweep ng four-game season series sa Pacers (19-40).
Ang pagbida ni Antetokounmpo sa mala-halimaw na performance ay sa kabila ng sore left ankle na dinanas nitong nakalipas na Martes kung saan tinalo sila ng Blazers.
Sinasabing ang nagawa ngayon ng dating NBA Finals MVP ay ika-12 sa NBA history na ang isang player ay umiskor ng 50 o higit pa at merong mataas na 80% shooting o mas mahigit pa.
“It’s a nice feeling to have 50 you’ll always remember it but I care about the win,” ani Antetokounmpo. “I want to win games.”