-- Advertisements --

Dumarami ang mga NBA superstars na sumusuporta kay LeBron James laban sa pagsasagawa ng All-Star Games sa gitna ng COVID pandemic.

Pinakabagong bumabatikos sa nilulutong All-Star Games sa buwan ng Marso sa estado ng Atlanta ay  ang reigning back-to-back MVP at Defensive Player of the Year na si Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks.

Ayon kay Giannis sa pagkakaalam niya ay next year pa gagawin ang All Star Games.

Aniya, sa panahon ngayon  mas mabuti pa umanong iukol sa pamilya ang limang araw na break.

Una rito kabilang pa sa tumututol sa All-Star Games ay sina Brooklyn Nets’ star James Harden at LA Clippers’ Kawhi Leonard.

Sinabi ng dating MVP na si Harden, nakakapagod at masyadong draining ang schedules ngayon ng NBA kaya mabuti pa ang magpahinga na lang.

Para naman sa dati ring Finals MVP na si Kawhi, hindi na siya nasorpresa sa naturang desisyon dahil pera-pera lang naman at negosyo para kumita ang kanilang mga laro.