Tiniyak ni German Chancellor Olaf Scholz ang suporta nito sa Pilipinas sa laban nito para protektahan ang karapatan sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philppine Sea.
Binigyang-diin ni Scholz ang kahalagahan na pagpapanatili sa international law partikular ang patuloy na pag iral sa batas sa nternational navigation gaya ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Ginawa ng German Chancellor ang pahayag ng magkaroon ng bilateral meeting ang dalawang lider.
Nasa Germany si PBBM para sa tatlong araw na working visit.
Sa panig naman ni Pang. Marcos inihayag nito kay Scholz na hindi tinanggihan ng Pilipinas ang anumang panukala ng Chinà para sa bansa, maliban na lamang sa kanilang ginawang “premise” na ang kanilang teritoryo ay naka base sa ginawa nilang 10-dash line na hindi kinikilala ng mga bansa kabilang ang Pilipinas.
Binigyang-diin ng Pangulo na mayruong exclusive economic zone ang Pilipinas subalit isa sa mga teritoryo dito at sinakop na ng Beijing.
Muling binigyang-diin ng chief executive ang tindig ng Pilipinas na ipagpatuloy nito ang pag uphold sa konstitusyon ng Pilipinas at protektahan ang karapatan ng mga mamayan at ang soberenya ng bansa.
Sa kabilang dako naniniwala ang Pangulo na ang libre at bukas na West Phl Sea hindi lamang makikinabang sa Southeast Asia at sa Indo-Pacific region, kundi pati na rin sa buong mundo.
Sabi ng Pangulo, Mahalaga na mapanatili ang freedom of navigation sa West Phl Sea dahil 60 percent ng kalakalan sa buong mundo ay dumadaan dito.
Giit ng Presidente malaking tulong ang ibinibigay ng Germany lalo na sa Armed Forces of the Philippines lalo na sa mga training.