-- Advertisements --

Nagpahayag ng interes ang bansang Germany na mag-hire ng mga Filipino skilled and hospitality industry workers.
Ito ang kinumpirma ni Department of Migrant Workers (DMW) Undersecretary for Policy and International Cooperation Patricia Yvonne Caunan.

Ayon kay Caunan, nilagdaan ng Pilipinas at Germany ang joint declaration of interest ngayong linggo, batay sa 10 taong gulang na Triple Win Program sa pagitan ng dalawang bansa, na pangunahing kinasasangkutan ng recruitment ng mga nurses sa ibang bansa.

Dagdag pa ni Caunan, na nagsabi ang Germany na hindi lamang nurses ang gusto nilang i-hire kung ‘di ang ibang skilled workers gaya ng electricians, electrical engineer at iba’t iba pang trabaho sa hospitality sector.

“At ang isa pa pong naging magandang part nitong joint declaration natin of interest ay iyong tinatawag namin ngayon win-win situation kung saan no less [than] the President said na hindi naman puwedeng basta kumukuha lamang ng mga Filipino workers ang mga bansang ito sa atin at hindi sila nagiging parte ng solusyon sa pagkakaroon ng more–for example nurses dito sa ating bansa, ” paliwanag ni Caunan.

Ito na ang ikaapat na bansa kung saan nilagdaan ng Pilipinas ang mga kasunduan na naglalayong tugunan ang kakulangan ng mga manggagawa kundi pati na rin mga teaching staff sa pagtuturo sa nursing profession.

Bukod sa Pilipinas lumagda din sa kasunduan ang iba pang mga bansa gaya ng Canada, Vienna at Austria.

Ipinunto ni Caunan na naka pokus ang Department of Migrant Workers, sa pakikipag-ugnayan sa mga bansang tumulong, lalung-lalo na sa pagtugon ng nursing shortage sa bansa.

Ang nasabing mga kasunduan ay inaasahan din na magbibigay ng mga iskolarship gayundin ang pagtutok sa pagtulong sa pag-upgrade ng mga pasilidad ng ospital, mga pasilidad sa pagsasanay, at pagpapaunlad ng mga guro dito sa bansa.