-- Advertisements --

Muling ipinamukha ng mga estado ng Georgia at Michigan na walang ebidensyang kayang ilabas si President Donald Trump upang magpatunay na siya ang nanalo sa mga nabanggit na estado.

Ayon sa dalawang estado, hindi kailanman sila makikialam sa election certification sa kanilang lugar.

Ito ang naging pahayag ng Georgia at Michigan dahil na rin sa walang humpay na hinaing ni Trump hinggil sa vote count at methodical hand recount sa nasabing mga estado.

Una nang sinabi ni Georgia secretary of state Brad Raffensperger na tinalo ni Presumptive President Joe Biden si Trump ng 12,670 votes.

Ilang oras lamang matapos nito ay nakipagpulong ang delegasyon ng ptiong Michigan Republicans kay Trump sa White House kung saan iginiit umano ng mga ito na walang dayaan na naganap sa eleksyon.