Humaba pa ang listahan ng mga paaraln na interesadong kunin ang serbisyo ng Pinoy teen sensation na si Kai Sotto.

-- Advertisement --

Batay sa ulat, nagbigay daw ng offer sa 7-foot-2 big man ang Georgia Bulldogs bunsod na rin ng impresibo nitong performance sa Estados Unidos.

Nitong weekend nang magpakitang gilas ang UAAP Season 81 Juniors MVP para sa The Skills Factory sa Hargrave Military Challenge ng Phenom Hoops.

Tumipon ng 31 points, 13 rebounds, apat na blocks at apat na assists upang bumida sa 111-95 panalo ng TSF National kontra sa Combine ng North Carolina.

Matatandaang ilan sa mga interesado kay Sotto ang Kentucky, Georgia Tech at DePaul.