Pinaigting pa ang partnership ng NBA at Japan B. LEAGUE, na maaaring magbukas ng mas maraming oportunidad para sa mga Filipino imports na gustong makapasok sa biggest basketball league.
Ayon kay NBA Deputy Commissioner Mark Tatum, may mga pag-uusap tungkol sa mas malawak na collaboration sa pagitan ng NBA at B. LEAGUE, lalo na at nakita ang talento sa Japan sa katatapos lang na finals ng liga.
Isa sa mga posibleng mangyari ay ang mga laro sa pagitan ng B.LEAGUE teams at NBA G League, na maaaring maging daan para sa mga manlalaro na makuha ang atensyon ng NBA scouts.
Dahil maraming Filipino players ang naglalaro sa B. LEAGUE, kabilang si Kai Sotto, ang partnership na ito ay maaaring maging mahalaga para sa kanila upang magkaroon ng mas malawak na exposure sa NBA.
Bagamat wala pang konkretong plano para sa mga exhibition games, sinabi ni Tatum na may potensyal para sa mas malaking proyekto sa hinaharap.